fbpx

BATANG NAPAULAT NA NAWAWALA KAHAPON, NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG CABINET NG KAPITBAHAY SA TARLAC

crime scene do not cross signage

Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng dalawang taong gulang na batang lalaki matapos matagpuan itong nakabalot ng  kutson sa loob ng cabinet ng kanilang kapitbahay sa Green Village sa Concepcion, Tarlac, kaninang umaga ng ngayong araw ng Huwebes, November 24.

Ayon sa ulat ng awtoridad, nakita ang mga bangkay ng biktima sa loob ng isang cabinet na may mga sugat sa katawan sa bahay ng kanilang kapitbahay.

Matatandaang ipinanawagan pa nitong Miyerkules, November 23, ng kanyang mga kaanak sa social media ang pagkawala ng biktimang si Axcel Castro bandang alas dos ng hapon.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng kapulisan ang taong naninirahan sa bahay kung saan nakita ang kaawa-awang bata.

Sumisigaw naman ng hustisya ang mga kaanak ng biktima.

Kasalukuyang nagiimbestiga ang pulisya sa insidente para matukoy na din kung sino ang pumaslang sa bata.

About Author