Sinibak ni Pope Francis si Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle bilang pangulo ng Caritas Internationalis (CI), ng Vatican na namamahala sa charity at disaster relief operation na binubuo ng mahigit 100 organisasyon sa buong mundo.
Ang buong liderato ng CI ang sinibak sa pwesto matapos ang isinagawang pag-aaral sa operasyon ng nasabing ahensya na naiulat na merong mga “deficiencies in management and procedures.”
Bagaman bababa bilang presidente ng Caritas, si Tagle ay naatasan ni Pope Francis na tulungan ang bagong talagang commissioner ng Caritas na si Dr. Pier Francesco.
Samantala, nilinaw naman na wala umanong kinalaman ang pagsibak sa mga namumuno ng Caritas Internationalis sa sexual abuse at financial mismanagement.