fbpx

2 taong gulang na bata pinatay ng kapitbahay na menor de edad

Bangkay na nang matagpuan sa bahay ng kapitbahay ang isang batang nauna nang naiulat na nawawala sa Concepcion, Tarlac.

Ayon sa pulisya,nakita ang mga labi ng biktima na si Axel Castro, na tinabunan ng mga tela sa loob ng bahay ng kanilang kapitbahay ng isang 16-anyos na lalaki sa Green Village.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2:00 ng hapon  nang tawagin ang biktima ng kanyang kapitbahay na suspek na kung saan ay pinakitaan ng bola kaya nahikayat na pumasok sa loob ng bahay.

Makalipas ang ilang minuto ay gusto nang umuwi ng biktima na ikinagalit ng suspek at dito na dinaganan ng unan ang mukha ng biktima hanggang sa  malagutan ng hininga.

Nasa kustodiya na ng PNP ang binatilyong suspek.

About Author