Nanindigan si Sen. Bato dela Rosa na hindi dapat kinukulong ang mga gumagamit ng illegal na droga, bagkus, dadalhin sila sa rehabilitation center upang magamot.
Isinusulong kasi ni Dela Rosaang panukalang decriminalization ng paggamit ng illegal drugs upang sa gayon ay mabawasan ang bilang ng mga nakakulong at tugunan ang drug addicition bilang health issue sa halip na paglabag sa batas.
Nilinaw naman ni Bato na hindi kasali sa panukala ang drug pushing, manufacturing at trafficking dahil dapat lamang na managot sila sa batas.
Gayunpaman, mahigpit na tinutulan ng law enforcement agencies na posibleng magkaron ng maling interprestasyon ang panukala sa kabataan na okay lamang ang paggamit ng droga.