Isang tricycle driver ang binaril ng malapitan sa ulo subalit hindi pumasok ang bala sa mismong bungo ng biktima ng di pa kilalang suspek nitong Martes Nobyembre 22 sa Brgy. Poblacion 3, Bauan Batangas.
Kinilala ng Bauan Municipal Police Station ang biktimang si Marvin Castillo y Acuzar, 32 taong gulang residente ng Brgy, San Teodoro sa naturang bayan.
Ayon sa ulat ng pulisya, tatlong beses na malapitang pinaputukan ng suspek ang biktima gamit ang kalibre .38 na baril habang ito ay nakaupo dakong alas 2:50 ng hapon.
Matapos ang pamamaril, isinugod agad sa Bauan General Hospital ang biktima para maalis ang balang bumaon sa ulo
Ayon pa sa Bauan Police, posibleng umanong paltik ang baril na ginamit at luma na rin ang bala. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at suspek sa krimen.