
Isinagawa nitong Nobyembre 25, ang kick-off ceremony para sa 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa SM Batangas Events Center.
Ang aktibidad ay sinimulan sa pamamagitan ng isang banal na misa na sinundan ng pormal na programa.
Sa mensahe ni Batangas Governor Hermilando Mandanas sinabi niya na ang mga kababaihan ay isang mahalagang bahagi ng lipunan kaya’t dapat na sila ay igalang, mahalin at pahalagahan.
Nagsilbing keynote speaker si DSWD Asec. Romel Lopez kung saan binigyang diin nito ang paglaban sa online violence na isa sa mabigat na problemang kinakaharap ng mga kababaihan sa kasalukuyan.
Nagbilin din ito ng ibayong pag-iingat sa mga kababaihan upang makaiwas sa anumang karahasan na maaari nilang kasangkutan.