fbpx

Guidelines para sa pagbabayad ng 13th Month Pay sa mga empleyado, inilabas ng DOLE

Naglatag na ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa pagbabayad ng 13th Month Pay sa mga empleyado.

Sa labor advisory na inilabas ng DOLE ngayong araw ng Lunes, Nov. 28, nakasaad na ang mga rank-and-file employees sa private sector ay dapat makatanggap ng 13th Month Pay anuman ang kanilang posisyon, designation o employment status.

Batay sa guidelines, kinakailangan lamang na sila ay nakapagtrabaho na sa kumpanya ng hindi bababa sa isang buwan ngayong kasalukuyang calendar year.

Dapat din tumanggap ng 13th Month Pay ang mga rank-and-file employees na sinuswelduhan ng piece-rate basis, fixed, o guaranteed wage plus commission.

Ang halaga ng 13th Month Pay ay dapat hindi bababa sa 1/12 ng total basic salary na natanggap ng empleyado sa loob ng calendar year.

Nakasaad din sa kautusan na kailangan itong maibigay bago o sa mismong Dec. 24, 2022.

Ayon sa DOLE, hindi pinapayagan ang paghahain ng exemption o deferment sa pagbabayad ng 13th Month Pay.

Dapat ding magsubmit ang mga employer ng kanilang compliance report sa DOLE bago mag-Jan. 15, 2023.

About Author