Naitala ng Department of Health (DOH) ang 551 kaso ng Chikungunya sa bansa sa nakalipas na apat na buwan.
Ibig sabihin, tumaas ng 589 % ang kaso ng Chikungunya kumpara sa naitala noong Enero a-1 hanggang Nobyembre a-5 noong nakaraang taon.
Nakapagtala ng pagtaas ng kaso sa mga lugar na nalubog sa tubig-baha dahil sa mga pag-ulan na dulot ng Severe Tropical Storm Paeng.
Ayon sa ulat, nangunguna ang Calabarzon sa rehiyon sa nakapagtala ng pinakaraming kaso na may 154 na bilang.
Sa pahayag ng DOH, hindi kasing lubha ng dengue ang Chikungunya ngunit wala pa ring bakuna o gamot laban dito.
Dahil dito, hinihikayat ng DOH ang lahat na panatilihing malusog ang sarili at malinis ang ating kapaligiran upang hindi mabiktima ng sakit.
Kabilang sa sintomas ng sakit ang mataas na lagnat, biglaang pamamantal, labis na sakit ng ulo, pananait at pamamaga ng kasu-kasuan, pananakit ng kalamnan, pagduduwal at pagkahapo.