fbpx

Tricycle driver, patay makaraang barilin sa ulo sa Lipa city

Patay ang isang 70-taong gulang na tricycle driver makaraang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin dakong alas otso ng gabi sa Lipa City, Batangas noong Sabado, Nobyembre 26.

Ayon sa ulat ng otoridad, habang nagaganap ang inuman sa bahagi ng isang terminal sa Barangay, Sabang nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril.

Sa ulat ng pulisya, binaril ang biktima na si Alfredo Mercado, habang ang suspek ay mabilis na tumakas na nakasuot ng kulay grey na jacket, cap, at maong na pantalon.

Namatay ang biktima habang dinadala sa San Antonio Medical Center dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Sa ngayon patuloy na nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang pulisya sa insidente ayon sa aming panayam sa Batangas Provincial Police.

About Author