fbpx

Higit 1k bagong kaso ng HIV naitala ng DOH

blood samples for hiv test
blood samples for hiv test
Photo by Towfiqu barbhuiya

Nasa kabuuang 1,347 na bagong kaso ng HIV ang naitala ng Department Of Health sa bansa para sa buwan ng Setyembre 2022.

Mas mataas ito ng 37% kumpara sa naitalang 981 na kaso ng HIV sa kaparehong panahon noong 2021.

Batay sa HIV/AIDS and ART Registry of the Philippines, 96% ng kabuuang kaso ay mga lalaki at 4% naman ang babae kung saan ang pito rito ay buntis pa.

Karamihan din sa mga naitalang bagong kaso ng HIV ay nasa edad 2 hanggang 71.

Samantala, sexual contact pa rin ang pangunahing mode of transmission ng HIV habang ang lima sa kabuuang kaso ay dahil infected na karayom at dalawa naman ang mother-to-child transmission.

About Author