fbpx

Mga batang tinamaan ng Bulutong at HFMD sa bansa, lalo pang tumaas!

Lalo pang tumaas ang kaso ng bulutong at hand, foot and mouth disease (HFMD) sa mga bata sa bansa.

Sa pahayag ng Philippine Federation of Professionals Association (PFPA) Vice President Dr. Benito Atienza, maliban sa dengue ay lalo pang tumataas ang bilang ng mga batang tinatamaan ng HFMD, bulutong at iba pang respiratory infections.

Aniya, madalas napagkamalan na ang bulutong ay katulad lang din ng HFMD dahil sa rashes pero nilinaw nito na magkaiba ang dalawang sakit na may parehong sintomas.

Payo naman nito sa mga magulang na huwag nang papasukin sa eskwelahan ang mga batang may rashes na posibleng sintomas ng bulutong at HFMD, na kapwa lubhang nakakahawa.

Dagadag pa niya, dalhin agad ang anak sa doktor, kung makitaan ito ng rashes at lalo kung wala pang chickenpox vaccine.

About Author