fbpx

Kadiwa Caravan, magpapatuloy kahit matapos ang kapaskuhan ayon kay Pangulong Marcos

Tuloy pa rin ang implementasyon ng ‘Kadiwa ng Pasko’ kahit matapos ang holiday season bilang tugon sa global inflation.

Sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., target ng administrasyon na gawing national program ang ‘Kadiwa’ na ipakakalat sa buong bansa sa tulong ng mga local government units (LGUs) upang matiyak ang tagumpay ng proyekto.

Sinabi ng pangulo na ang Kadiwa Project ang best Christmas gift na maaring ibigay ng gobyerno sa publiko.

Aniya, sapat ang supply ng mga produkto na ibinebenta sa mga Kadiwa stall hanggang sa Pebrero o Marso 2023.

About Author