fbpx

Roderick Paulate, hinatulan ng Sandiganbayan na guilty sa graft at falsification of public documents

Hinatulang guilty sa kasong graft at siyam na counts ng falsification of public documents ang betearanong comedian actor na si Roderick Paulate, kaugnay sa hiring ng ghost employees noong 2010 sa kanyang unang termino bilang konsehal ng Quezon City.

Ang paghatol ng 7th Division ng Sandiganbayan ay anim hanggang 8-taong pagkakabilanggo sa kasong graft at anim na buwan hanggang anim na taon sa bawat count ng falsification of public documents.

Ibig sabihin kung pagsasama-samahin ang lahat ng kaso ng comedian actor ay maaring siya ay mabilanggo ng 10 taon hanggang anim na buwan at 62 taon sa lahat ng kaso nito.

Diskuwalipikado na rin itong tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Matatandaang inihain ng Office of the Ombudsman noong 2018 nang ipalsipika ni Roderick ang Contract of Service kabilang ang mga lagda ng mga pekeng kontraktor para maipalabas ang pondo ng pamahalaang Quezon city sa suweldo ng mga ghost employees.

Kabilang din sa convicted ang driver at liaison officer ni Paulate na si Vicente Bajamunde, na acquitted sa falsification charges.

About Author