fbpx

5 patay, habang 20 sugatan sa malagim na aksidente sa Cagayan De oro

Lima ang patay habang 20 na katao ang dinala sa ospital sa malagim na aksidente matapos magsalpukan ang dalawang truck sa Barangay Agusan, Cagayan de Oro sa Misamis Oriental kaninang umaga Disyembre 5, ngayong taon.

Sa larawan nina Mervin Canillo at Nickie Joyce na ibinahagi ng mga ito sa social media kitang-kita ang kalunos-lunos na pangyayari.

Batay sa report ng pulisya, galing sa pakikipaglibing ang mga magkakamag-anak na nasawi nang magsalpukan ang bongo truck na sinasakyan ng mga biktima at ang fighter truck na minamaneho naman ng suspek na si Julieto Jabagat.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, minamaneho umano ni Jabagat ang truck na may mga kargang manok nang makasalpukan nito ang Bongo truck lulan ng mga magkakamag-anak na galing sa pakikipaglibing sa kanilang kaanak sa Zamboanga del Sur.

Sa lakas ng banggaan dead on the spot ang lima kabilang ang driver ng Bongo truck habang dinala naman sa ospital ang 20 para lapatan ng lunas.

Sa salaysay ng driver ng fighter truck, nakabig pa niya ang preno ng truck subalit ang Bongo ang truck ay dirediretso na nagresulta ng malakas na pagkakasalpok.

Sa ngayon nasa kustodiya na ang driver at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting into multiple homicide,multiple physical injuries at damage to property.

Habang ang mga labi naman ng mga biktima ay dinala na sa punerarya.

About Author