fbpx

Bangkay ng 9 taong gulang na bata, natagpuan sa creek sa Batangas

Bumungad sa mga otoridad ang isang bangkay ng 9 na taong gulang na batang lalaki na naaagnas na sa bangin(creek) sa bahagi ng Sitio Sagingan Brgy. Ibabao Cuenca, Batangas dakong alas-3:45 ng tanghali Disyembre 4, 2022

James Gaming

Sa ulat ng Cuenca MPS, may natanggap na tawag ang San Jose MPS ukol sa natagpuang bangkay na bata sa boundary ng Brgy., Balagtasin San Jose na agad naman tinungo ng Cuenca MPS para imbestigahan.

Sa panayam ng B.News Team sa Cuenca MPS, kinilala ang biktima na si Rommel Moog y Militante, estudyante.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, malimit umano utusan ang bata para magtapon ng basura sa kanilang lugar kapalit ng salapi dahil sa hirap ng buhay.

November 25, 2022 pa umano napaulat na nawawala ang batang lalaki sa naturang bayan.

Isinailalim na sa autopsy ang bangkay ng bata upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

Sa ngayon ay patuloy pa din ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

About Author