Nakatakdang ibenta sa mga stall ng Kadiwa ang sako-sakong sibuyas na nakumpiska kamakailan sa Divisoria sa Maynila, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Linggo.
Matatandaang ikinarga sa mga trak ng Philippine National Police (PNP) at dinala sa bodega ng Bureau of Plant Industry (BPI) para maimbentaryo ang mga naturang sibuyas na nagkakahalaga ng P3.9 milyon pesos.
Sa pahayag ng BPI, walang kasing phytosanitary permit ang mga nakumpiska na sibuyas, ibig sabihin ay hindi ito ligtas gamitin dahil posibleng nagtataglay ito ng mga kemikal.
Nakatakda na din itong sirain upang hindi na mapakinabangan ng ibang tao ngunit nagdesisyon na lang ang kagawaran na ibenta na lamang ito sa mga stall ng Kadiwa.
Ayon pa sa kagawaran, kailangan pang sumailalim sa inspection ang mga sibuyas bago tuluyang ibenta sa mga stall ng Kadiwa.