Patuloy pa din na may namomonitor ang pulisya na may mga nagpapalaro ng iligal na e-sabong sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., matapos sabihing may namo-monitor pa rin ang kapulisan na mga nagpapalaro ng e-sabong.
Sa pahayag ni Azurin, nagbigay na siya ng direktiba sa lahat ng National Support Unit (NSU) para pagtulungang hanapin at patigilin ang mga ilegal na nag o-operate ng e-sabong.
Pagbibigay-diin pa ni Azurin, dapat na matuldukan na ang ilegal na mga operasyon nito dahil maaari pa aniya itong maging dahilan pa ng iba’t-ibang uri ng krimen, kabilang na ang pagkawala ng 34 na mga sabungero.