Siniguro ni House Senior Deputy Speaker at dating pangulo na si Gloria Arroyo nitong Lunes na pananagutan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Maharlika Wealth Fund (MWF) sakaling malugi ito o kaya naman ay kurakutin ng mga nangangasiwa.
Ito ang ngaing pahayag ni Arroyo bunsod ng pagtutol ng marami sa House Bill 6398 hinggil sa paglika ng MWF kung saan ang bahagi ng P250 bilyong kapital ay kukunin sa Government Service Insurance System at Social Security System o SSS.
Dagdag pa ng dating pangulo, sakaling maging operational na ang sovereign wealth fund ay maaaring humiling ng payo ang Pangulo sa Department of Finance (DOF) na pinamumunuan ni Secretary Benjamin Diokno.
Noong Linggo, isiniwalat ni ACT Teachers Rep. France Castro na sa ilalim ng MWF, hindi na ito ipapadaan sa procurement law at iba pang batas kaya nangangamba itong hindi makakasuhan ang mangangasiwa ng wealth fund kapag kinurakot ito.