fbpx

Jovit Baldivino, isinugod sa ospital matapos sumama pakiramdam

Isinugod sa Hospital ang ating Kabalisong at singer na si Jovit Baldivino matapos itong sumama ang pakiramdam habang nasa isang event nitong Linggo Disyembre a-4, ngayong taon.

Naoperahan na ang singer nitong umaga ng Lunes at kasalukuyang nasa ICU ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas.

Nagkaroon umano ng pagputok sa ugat ng ulo nito, at posibleng aneurysm ang sanhi ng pagsama ng pakiramdam nito.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling ang singer sa naturang hospital matapos maoperahan.

Patuloy din na humihingi ng panalangin ang pamilya at mga kaibigan ng singer para sa agarang paggaling ni Jovit.

About Author