fbpx

Mapait man sa panlasa, panalo naman sa sustansya

Green matcha & tofu

Isa ka rin ba sa mahilig sa mga matcha-flavored na pagkain at inumin tulad ng donut, latte at milk tea? Aba’y kung oo para sa iyo ang dagdag kaalamang pangkalusugan na ito.

Matcha powder in bowl with other

Kilala ang matcha sa mapait na lasa nito, kaya naman bagamat marami na ang nagkakagusto ay lamang pa rin ang ilag na subukan ito. Subalit huwag mag-alala dahil narito ang limang dahilan bakit dapat mong subukan o patuloy na tangkilikin ang matcha.

  1. Swak na pampapayat. Sa isang pag-aaral, lumalabas na ang pagkonsumo ng matcha ay nagpapabilis ng oxidation ng taba. Nakatutulong din ito para mabawasan ang labis na pag-absorb ng ating katawan ng cholesterol. 
  1. Nakatutulong sa pagpapagaling ng sakit sa balat. Ayon sa Food Research International, mainam ang matcha sa paggamot sa ilang skin conditions tulad ng psoriasis. Ayon pa sa isang doktor, maganda ring parte ng skincare routine ang matcha, maaari kasi itong gawing face mask para magkaroon ng glowing at makinis na mukha. 
  1. Mainam na panlaban sa cancer. Ayon sa artikulo ng Forbes na sinuri ng isang gastroenterologist, nagtataglay umano ang matcha ng anti-cancer properties dahilan para mabawasan ang tsansang magkaroon ng stomach cancer ang isang tao. Sa isa namang animal clinical trial, napag-alamang napaliit ng matcha extract ang tumor at napabagal pa ang paglala ng breast cancer cells ng isang daga. Dagdag pa rito, nakikitang epektibo rin ito para maiwasan ang pagkakaroon ng skin, lung at liver cancer. 
  1. Nakabubuti sa heart health. Ayon sa isang pag-aaral noong 2014, lumalabas na ang 24 na taong uminom ng green tea sa loob ng 14 na linggo ay bumaba ang blood pressure. Bagamat green tea at hindi matcha ang kanilang ininom, sa hiwalay na pag-aaral ay natuklasang tatlong beses na mas masustansya ang matcha kaysa green tea. Sa isang published study naman ng Journal of Ethnopharmacology, lumalabas na tumutulong ang matcha upang hindi mabarahan at mamaga ang mga ugat at muscles sa puso. 
  1. Nakapagpapabilis ng brain function. Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa 23 katao, lumalabas na ang pag-inom ng matcha ay nakabubuti upang maging alerto. Nakapagpapabilis din ito ng reaction time at attention span ng tao at higit sa lahat ay mainam para sa memory.

Tunay ngang siksik sa benepisyong taglay ang matcha ngunit paalala lamang na ito’y hindi gamot na tiyak na magpapagaling sa mga sakit. Sinasabi lamang na malaki ang maitutulong nito sa pagpapanatili ng malusog na katawan, gayundin para naman sa mga taong sumasailalim sa propesyunal na gamutan. | ANANEA JUVIGAIL OCFEMIA (Intern)

About Author