fbpx

Pag-inom ng salabat mainam sa masakit na puson

Free ginger in water image
Free ginger in water image

Naranasan mo na ba ang labis na pananakit ng puson sa iyong red days? Iyong tipong nag-hot compress ka na pero ‘di pa rin umubra?  Aba’y huwag nang mag-alala dahil may isa pang remedyo na tiyak madaling matatagpuan sa inyong mga kusina— ang wonder luya na ‘di lang pampalasa, panggamot pa!

Kilala ang luya bilang panggamot sa anyo ng salabat o ginger tea. Pinapainom sa atin ito kung nananakit ang lalamunan, malat o di kaya naman ay may trangkaso. Subalit mabuti rin pala itong inumin kung nakararanas ka ng dysmenorrhea. 

Free close up ginger image

Ayon sa isang artikulong sinuri ng isang registered dietician at nutritionist na si Dr. Lisa Hodgson, ang luya ay naglalaman ng pain-relieving at anti-inflammatory properties na mainam sa masakit at namamagang puson tuwing may regla ang isang babae. Ayon pa nga sa isang pag-aaral, kasing bisa pa ng mga tabletang gamot ang salabat sa pag-aalis ng sakit ng puson, (Shoemaker, 2021).

Sa isa pang artikulo mula naman sa Hindustan Times, napag-alamang ang init na galing sa salabat ay nakatutulong upang ma-relax ang mga muscles sa uterus o matris. Maganda rin ang pag-inom ng salabat upang maging regular ang buwanang dalaw, (Panwar, 2016).

Talaga nga namang umaapaw sa healing qualities ang salabat. Kaya naman ‘di na natin masisisi ang ating mga nanay o lola kung pilit tayong pinaiinom nito noong tayo’y mga bata pa. Paano ba naman, siksik sa benepisyong pangkalusugan naman pala. Kaya’t sa susunod na may masakit, sa luya at salabat kumapit! AJGO, Intern

About Author