Natagpuan ang isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki malapit sa Sabang Bridge, Brgy. Sabang, Ibaan, Batangas nitong Miyerkules.

Ayon sa pulisya, bandang 3:46 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang Ibaan Municipal Police Station patungkol sa nasabing krimen.

Sa naturang krimen, ang biktima ay natagpuang nakagapos ang mga kamay sa paa at nakabalot ng masking tape ang mukha.
Ayon pa sa report, nakasuot ang lalaki ng gray t-shirt at basketball shorts na may mga kulay na gray, black, at red. May tangkad namang 5”8’ at dark complexion ang naturang biktima.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng biktima. | J.Laydia intern