Patay isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek nitong Martes sa Brgy. Langgangan ng Balayan, Batangas dakong alas 5:35 PM ng gabi.

Kinilala ang 37-anyos na si Sandy Francisco, helper sa isang tindahan ng karne, na nasawi matapos magtamo ang biktima ng bala sa ulo.
Ayon sa report ng pulisya, nakasakay ang biktima sa kanyang traysikel nang pinaputukan gamit ang tangay na baril ng suspek, na umano’y agarang tumakas sa pinangyarihang insidente matapos ang ginawang pagpatay.
Sa ngayon, humingi na ng tulong ang mga pulisya sa SOCO mula sa Batangas PCLO upang imbestigahan ang nasabing insidente.
Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap sa naturang suspek. | L.Bermudez intern