fbpx

ISANG LALAKI, ARESTADO SA PANANAKSAK SA BATANGAS

crime scene do not cross signage

Arestado ang isang lalaki matapos manaksak nitong Huwebes, Marso 2, sa Villa Anita, Brgy. Sta. Clara, Batangas City.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang nahuling suspek na si Romel Magpantay, 34 anyos, residente sa nasabing lugar.

Sa panayam ng B.Channel News Team sa Batangas CPS, bandang 10:00 ng umaga nang nilapitan at biglang saksakin ng suspek ang 43 anyos na biktima na si Victorino de Vera sa dibdib gamit ang kitchen knife sa hindi pa malaman na dahilan.

Nakahingi pa ng tulong ang biktima sa awtoridad na humantong sa pagkakaaresto ng suspek.

Kinalaunan ay nadala na din ang biktima sa ospital para magamot.

Patuloy pa din ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at motibo ng pananaksak. | J.Laydia intern

About Author