Nasawi ang isang lalaking rider matapos bumangga ang minamaeho nitong motorcycle sa isang konkreto sa kalsada sa National Highway patungo sa bayan ng Padre Garcia noong Sabado ika-11 ng Marso, 2023.
Kinilala ang biktima na si Mark Joseph Manguiat y Mendoza, isang 28-anyos na taga Poblacion, Padre Garcia.
Ayon sa ulat ng Pulisya ng Padre Garcia, habang nagmamaneho ng motorsiklo sa National Highway patungo sa bayan ng Padre Garcia ay bigla na lang umano nawalan ng kontrol na nagdulot sa nasabing aksidente.
Agad siyang dinala sa Dr. Rosales Memorial Medical Hospital upang masuri at maisalba, subalit sa kasamaang palad pumanaw ang biktima bandang alas-5:00 ng umaga sa parehong araw, ayon kay Dr. Peter Chua.
Sa ulat pa ng pulisya posibleng nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang biktima.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang aksidente. | PADRE GARCIA MPS / JLReglos