fbpx

GOAT DISPERSAL PROGRAM, IPINAMAHAGI SA IBA’T IBANG RESIDENTE NG ILANG BARANGAY SA BATANGAS CITY

Ipinamahagi sa mga residente ng iba’t ibang barangay ang mga kambing na parte ng Goat Dispersal program ng pamahalaang lungsod ng Batangas noong Marso 24. 

Pinangunahan naman ng City Veterinary Office ang nasabing pamamahagi ng kambing.  

Sumailalim rin ang mga residente sa pagsasanay upang mapangalagaan nang tama ang mga kambing. 

Ang naturang programa ay nagsimula noong administrasyon ni dating Mayor Eduardo Dimacuha at ipinagpapatuloy ng administrasyon ni  Mayor Beverley Dimacuha at naglalayong makapagbigay ng karagdagang pagkakitaan at mapalakas ang industriya ng kambing sa lungsod ng Batangas. | M. K. Ilagan intern | 📸 Office of the City Veterinary and Agricultural Services 

About Author