Iniutos ng Office of the Ombudsman (OMB) ang anim na buwang suspensiyon nang walang sweldo kay Mayor German D. Rodegerio ng bayan ng Gloria sa Oriental Mindoro dahil sa maling pagpayag nito sa isang kompanya na walang prangkisa na nagsasagawa ng sabong sa munisipalidad.

Ipinag-utos din na suspindihin si Wilfredo M. Sabado, ang business permit at licensing officer ng bayan.
Gayunpaman, ibinasura ng OMB ang mga kaso laban kay Rodegario, Sabado, at pitong iba pang opisyal ng bayan, at isang pribadong indibidwal dahil sa paglabag sa Seksyon 4(a)(c) ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards para sa mga Pampublikong Opisyal at Empleyado.
Ang reklamo laban kay Nicolas C. Jamilla Jr., may-ari ng Gloria Cockpit Arena (GCA), ay ibinasura dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.
Inakusahan ang mga empleyado ng munisipyo ng pagbibigay ng hindi makatwirang benepisyo kay Jamilla sa pamamagitan ng pagpayag nitong magsagawa ng sabong sa munisipyo kahit na wala siyang prangkisa mula sa Sangguniang Bayan para magpatakbo ng sabungan.
Nakasaad sa reklamo na nag-isyu sina Rodegerio at Sabado ng kabuuang 127 Mayor’s Permits pabor sa GCA, kaya pinapayagan ang kompanya na magsagawa ng sabong nang hindi bababa sa apat na beses sa isang linggo mula Disyembre 31, 2018 hanggang Nobyembre 9, 2019.
Samantala ang pag-iisyu ng 127 Mayor’s Permits ay hindi sapat na patunay na ang kanilang mga aksyon ay may motibasyon ng katiwalian, o na sila ay kumilos nang lantarang paglabag sa batas. | Juan Paolo M. Reyes intern