fbpx

ISANG LALAKI, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA TANUAN CITY

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA Region 4-A sa Hacienda Darasa, Brgy. Darasa, Tanauan City, Batangas, noong Martes, Abril 11.

Kinilala ang suspek sa pangalang Miguel Muleta alias “Dako,” 38 anyos, isang residente ng Brgy. Darasa, Tanauan City, Batangas.

Ayon sa ulat ng Tanauan City Police Station, bandang 7:23 pm ng gabi ng maaktuhan sa pagbebenta nito ng hinihinalang shabu. Nasamsam sa suspek ang apat na sachet na hinihinalang shabu, drug money na nagkakahalagang 500 piso at iba pang drug paraphernalia.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002. | Juan Paolo M. Reyes, BChannel News intern

About Author