fbpx

BAGONG SAKIT NA OMICRON SUBVARIANT XBB.1.9.1., NAKAPASOK NA SA BANSA

structure of a coronavirus

Kumpirmado na ng Department of Health (DOH) na ang bagong sakit na tinatawag na Omicron Subvariant XBB.1.9.1, ay nakapasok na sa bansa.

Ayon sa DOH, ang huling kaso ng bagong sakit ay umabot sa 54 na kaso na kung saan ito ang naging basehan sa pagtukoy sa huling genome sequencing.

Anila, ang bagong variant ay natukoy sa 63 na bansa at sinabi pa nito na ang ebidensya patungkol rito ay wala pang gaanong nagpapakita ng kabaihan sa disease severity at clinical manifestations kumpara sa dating sakit na Omicron Variant.

Sa ulat ng DOH, pumalo sa 150 ang naitalang kaso ng Omicron Subvariants ang nakumpirma sa bansa.

Nagbigay ng paalala ang DOH sa publiko na panatalihin pa din ang kaligtasan sa banta ng bagong sakit na Omicron Subvariant XBB.1.9.1. | E.Joe | BChannel News

About Author