Nawindang ang lahat ng nasa venue ng isang gay pageant sa Brazil dahil sa isang lalaki na umakyat sa stage.
Ang lalaki ay kinilalang boyfriend ng kandidata na hindi nanalo sa Miss Gay Mato Grosso 2023. Hindi umano nito matanggap na first-runner lamang ang kanyang kasintahan kaya umakyat ito sa stage at hinablot ang ipapatong sana na korona sa nanalong kalahok at ibinato niya ito.
Hindi pa nakuntento ang lalaki dahil bago sila umalis habang hawak ang kanyang kasintahan ay muli pa itong bumalik at binato muli sa sahig ang korona.
Handa naman umanong mag-demanda ang organizer ng naturang pageant at singilin ang lalaki para sa nasirang korona. | J.Samarita, BChannel News intern