fbpx

ISANG BINATA, PATAY HABANG ANG ISA AY SUGATAN SA ROAD CRASH ACCIDENT SA BATANGAS CITY

Patay ang isang backrider habang kritikal naman sa ospital ang driver dahil sa nangyaring aksidente sa kalsada sa Diversion Road, Brgy. Bolbok, Batangas City noong Sabado June 3, 2023 ng madaling araw.

Kinilala ng Batangas City Police Station, ang nasawi na binata na si John Flemming Sacdalan, 23-anyos, isang technician at residente ng Calaca City, Batangas habang nagtamo ng matinding sugat ang rider na si Ryan Mercado, 22-anyos, residente sa Sta Rosa City, Laguna.

Nakilala naman ang driver ng SUV na si Michael De Ocampo, 36-anyos, residente ng Brgy. Sambat, San Pascual, Batangas.

Batay sa imbestigasyon ng Batangas City Police Station, bandang 11:30 ng gabi habang sakay ang dalawang binata sa motorsiklo ay bigla na lang ito bumangga sa tagilirang bahagi ng SUV na minamaneho ni De Ocampo.

Sa tindi ng pagkakasalpok ng motorsiklo sa SUV, kapwa nagtamo ito ng maraming gasgas at sira.

Agad na dinala ang dalawang biktima sa Batangas Medical Center at St. Camillus Hospital para sa medical treatment ngunit bandang alas-dose ng gabi idineklarang dead on arrival si Sacdalan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing insidente habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang naturang driver ng SUV. | J.M Amistoso, BChannel News intern

About Author