fbpx

Suporta para sa pagpapayabong ng ani, pinalakas ng DA-CALABARZON

Nakatakdang mamahagi ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Php 399,459,860 na Fertilizer Discount Vouchers (FDV) para sa mga magpapalay sa rehiyon para sa taong 2023.

Layuni kasi ng programa na lalo pang payabungin ang produksyon ng mga magpapalay sa pamamagitan ng pamamahagi ng vouchers na pwedeng ipambili ng pataba para masiguro ang kanilang masaganang ani.

Tinatayang nasa 99, 865 ektarya ang kayang sakupin ng programa kung saan ang bawat FDV na tatanggapin ng mga magsasaka ay naglalaman ng Php 4,000.00 na pwedeng ipambili ng fertilizer sa mga DA-accredited fertilizer merchants sa kanilang lugar.

Ayon sa DA-4A, ang mga benepisyaryo nito ay mga magpapalay na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at National Farmers and Fisherfolk Registry System (NFFRS), at may hindi bababa sa limang ektaryang sakahan para sa mga hindi miyembro ng isang cluster. Maaaring makipag-ugnayan ang mga kwalipikadong magsasaka sa kani-kanilang City/Municipal Agriculturist Office ukol sa pamamahagi o iskedyul ng distribusyon.

Dagdag pa ni DA-4A Rice Program Coordinator Maricris Ite, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kagawaran kasama ang mga lokal na pamahalaan at katuwang na ahensya sa rehiyon upang masigurong maayos na maimplementa ang mga proyekto, particular sa distribusyon ng mga interbensyon gaya ng pataba, tulong-pinansyal, at iba pa. | via DA-CALABARZON

About Author