fbpx

MENOR DE EDAD, NALUNOD SA LIAN, BATANGAS

Nasawi ang isang menor de edad matapos itong malunod sa dagat ng isang resort sa Brgy. San Diego Seashore, Lian, Batangas bandang alas-5:30 ng hapon noong Sabado, ika-12 ng Agosto.

Ang biktima ay napag alamang isang estudyante at residente ng Brgy. Bungahan, Lian, Batangas.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Lian MPS, bandang alas-2 ng tanghali noong Sabado dumating ang  kamag-anak at kaibigan ng biktima sa beach resort at bandang alas-5:30 ng hapon ding iyon ay lumangoy sila ngunit dahil sa malakas na alon ay nalunod at nawala umano ang biktima.

Nagsagawa agad ng rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG) at mga miyembro ng MDRRMO upang mahanap ang katawan ng biktima at pagkatapos nga ng mahigit 15 oras na rescue operation ay narecover na ang katawan ng biktima kinaumagahan, bandang alas-8 noong Linggo.

Patuloy naman ang imbetsigasyon sa naturang insidente.

About Author