fbpx

RICCI RIVERO, LEREN MAE BAUTISTA, SPOTTED NA MAGKASAMA SA PAMPUBLIKONG LUGAR

Kumakalat ngayon online ang larawan nina basketball player star Ricci Rivero at Councilor Leren Mae Bautista nang magkasama sa pampublikong lugar.

Naglabas ng larawan ang Philippine Entertainment Portal (PEP.PH ) sa kanilang website kung saan makikitang magkasamang nagjojogging ang dalawa sa isang parke sa Laguna.

Nagkalat din sa X (Twitter) ang post ng isang fan account na may username na @slayramonaaa ang larawan ng rumored couple kung saan tumitingin ang dalawa ng mga plushie toys sa isang mall habang nakasuot ng facemask. 

Matatandaang kinumpirma ni basketball star nitong Hunyo na noong Mayo pa lamang ay hiwalay na sila ng aktres na si Andrea Brillantes matapos ang 14 na buwang relasyon.

Sa ngayon, wala pang nilalabas na pahayag sina Rivero at Bautista.  | Janna, BChannel News intern

About Author