fbpx

HOPE Project Lipa sa BJMP Lipa City Jail – Male Dormitory

Pinasinayaan ang HOPE Project Lipa sa BJMP Lipa City Jail – Male Dormitory na matatagpuan sa Brgy. Lodlod, Lipa City noong Sabado, Oktubre 14, 2023.

Pinangunahan ang PROJECT HOPE ni JCINSP Aris Williamere Villaester, ang Lipa City Jail Warden, upang magbigay inspirasyon para sa mga bisita at mga kapatid nating PDL (Persons Deprived of Liberty).

Aniya, ang layunin ng proyektong ito ay magbigay pag-asa sa mga PDL na nakasadlak ngayon sa naturang city jail.

Makikita sa exhibit ang iba’t ibang mga nakakamangha nilang likhang sining sa pagguhit, pag-uukit, at pagpipinta.

Ayon pa kay JCINSP Villaester, ang proyektong ito ay higit na para sa ating mga kasamahan behind bars upang magkaroon sila ng pag-asa na makalaya sa tulong ng pondo na makukuha nila sa mabebentang obra maestra.

Kasama at naging panauhin din ang mga organisasyon sa proyektong ito.

Ilan nga sa mga artworks ay nabili ng mga miyembro ng PCCI Lipa City, Rotary Club of Lipa, at ang ilang bumisitang mga Konsehal ng lungsod.

Tuloy-tuloy ang pagbubukas ng exhibit hanggang maubos ang mga naka display na mga likhang sining sa exhibit room.

Ito ay bukas para sa publiko na nais bumisita, maaari rin magmessage online sa kanilang facebook account na https://www.facebook.com/bjmp.male.39

About Author