fbpx

Rendon Labador, inireklamo nang i-Live sa Facebook ang pag-raid ng PNP sa isang online lending company sa Makati

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group kung nilabag ng content creator na si Rendon Labador ang privacy laws sa kasagsagan ng police operation laban sa online lending company sa Makati City nitong Biyernes Oktubre, 20.

Isinagawa ang operasyon laban sa lending company na Golden Koi, na nangha-harass at nanakot umano ng mga kliyente na hindi nakakabayad ng utang.

Dahil dito inireklamo at umalma ang mga kapamilya ng mga empleyado ng kompanya sa ginawang pag-live ni Rendon sa social media matapos ipakita ang mga mukha sa video.

Paliwanag naman ni PNP-ACG spokesperson Police Captain Michelle Sabino, may collaboration umano sila kay Rendon na “Boses ng Bayan” kaya nakasama ito sa operasyon.

Sinabi pa ng PNP-ACG na si Rendon, gaya ng iba pang major media outlets, ay pinapayagan lamang i-cover ang pangyayari matapos isagawa ng mga awtoridad ang kanilang operasyon.

About Author