Panalo ang Batangas City Embassy Chill kontra Gensan Warriors sa game 3 ng South division semifinals ng Maharlika Pilipinas Basketball League, sa final score na 66-62, na ginanap sa Batangas City Sports Coliseum nitong Martes ng gabi.
Sa first quarter ng laro nakalamang agad ang Embassy Chill sa score na 21-11, at hindi na pinatikim ng kalamangan ang Gensan.
Nakapagtala naman ng 14 na puntos si Levi Hernandez, 8 rebounds at 2 assists.
Makakaharap ng Batangas Team sa South Division Finals ang Bacoor City Strikers sa November 13 sa Bacoor City STRIKE Gymnasium.
Sinaksihan naman ni MPBL Founder at Senator Manny Pacquiao ang naturang liga, kung saan nagpaabot agad ito ng pagbati sa Batangas Team.