Patay ang isang 13-anyos na dalagita matapos umanong aksidenteng mabaril ng tiyuhin na pulis noong Linggo ng gabi sa Kidapawan City, North Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Yuki Maangue, habang ang pulis ay si Police Corporal Roy Maangue, 36 anyos.
Lumabas sa imbestigasyon ng Kidapawan Police, naganap ang insidente nang magkaroon ng pagtatalo ang pulis at kanyang kamag-anak habang nag-iinuman sa nasabing lugar.
Dahil sa kalasingan hindi nakapagpigil ang pulis at binunot ang kanyang baril at walang habas na nagpaputok.
Sa kasamaang palad tinamaan nito sa leeg ang 13-anyos na dalagita niyang pamangkin.
Sinubukan pa tumakas ng suspek subalit nadakip rin ito ng mga rumespondeng pulis. Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.