fbpx

Barangay tanod sa Tanauan City, Batangas, patay sa pamamaril

Dead-on-the-spot ang isang barangay tanod nang barilin ng di pa kilalang suspek sa Purok 4 Brgy. Pagaspas, Tanauan City, Batangas nitong Sabado dakong alas 9:00 ng gabi.

Kinilala ng Tanauan Police ang nasawing biktima na si Alvin Paquiz, 50-anyos habang sugatan din ang kainuman nito na si Alberto Muhallin, 52-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang nag-iinuman ang mga biktima at iba pang kaibigan nito sa isang bahay ay dumating ang suspek na nakasuot ng camouflage jacket at naka helmet.

Agad nitong pinaputukan ang biktima sa ulo ng kalibre .45 baril  at mabilis na tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.

Umabot naman ang tama ng bala kay Muhallin na nagdulot ng sugat sa katawan nito, kung kaya’t dinala ito sa hospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam na rin ang motibo sa pagkakakilanlan ng salarin.

About Author