Aminado si Pangulong Bongbong Marcos na kailangan ang patuloy na komunikasyon ng Pilipinas at China, para resolbahin ang mga isyu sa West Philippine Sea sa kanilang pag-uusap ni Chinese President Xi Jinping sa sidelines ng 2023 APEC Summit sa California.
Iginiit din ni Pangulong Marcos, na hindi nito isusuko ang anumang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa gitna ng umiiral na territorial dispute sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pahayag ng Pangulo, patuloy pa rin niyang susundin ang international law kaugnay ng usapin sa WPS at palalakasin pa ang alyansa nito sa iba’t ibang bansa.
Patuloy din aniya na haharapin at pag-uusapan ng dalawang bansa ang mga posibleng hakbang para humupa ang tensyon sa South China Sea at West Philippine Sea.