fbpx

Chinese New Year Celebration, isinagawa sa Batangas City

Ipinagdiwang ng Filipino-Chinese Community ang Chinese New Year Celebration nitong Sabado Pebrero 10 ng gabi sa KIPSI Memorial School Inc., sa Batangas City.

Pinangunahan ng Batangas Filipino Chinese Chamber of Commerce, INC. – Board of Directors ang naturang selebrasyon kabilang ang mga opisyales at miyembro nito.

Anila, ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Batangas ay simbolo ng magandang samahan ng mga Batangueno at mga Tsinoy.

Nakiisa ang nasa higit isanglibong katao para sa selebrasyon ng Chinese New Year. Tampok rin ang magagandang cultural performance mula sa Chinese School sa Batangas City.

Nagpasalamat naman ang BFCCC sa mga nagtulong-tulong para maging masaya at engrande ang selebrasyon ng Chinese New Year sa Batangas City.

About Author