Muling idinaos nitong Linggo ang pagdiriwang ng Les KuhLiemBo Festival 2024 bilang parte ng ika-192 taon ng pagkakatatag ng Bayan ng Ibaan, Batangas.
Tampok sa pagdiriwang ang ‘Quest for the Longest Tamales’ na kung saan nagkaisa ang mga Ibaenyo para makabuo ng 58 na metro o mahigit 190 na talampakang haba ng Tamales sa pangunahing lansangan sa Ibaan.
Isinagawa rin ang Eye Dotting Ceremony at Dragon Dance bilang bahagi ng pagsalubong sa Chinese New Year of Wooden Dragon.
Ipinagmalaki naman ng Ibaenyo ang kanilang produkto sa IBAANgAgri-Tourism Trade Fair gaya ng Tamales, Habi at iba pang agricultural products.
Maliban dito, ibinida rin ang mga ipinaradang Float na may temang “Yakapin ang Tradisyon, Yakapin ang Bukas” na kung saan nilahukan ng 16 na float mula sa pribado at pampublikong sektor.
Nagkaroon din ng Street Dance and court dance Competition, na kung saan itinanghal bilang kampeon at Best Costume ang Maximo T. Hernandez Integrated High School na sinundan ng Ibaan Sub-Office Integrated Schools, Dr. Juan A. Pastor Integrated National High School at St. Jude Science and Technological School.