
Sinimulan na ang Official Sashing at Pinning Ceremony ng Ms. Gay 3rd District 2024 Candidates sa Bayan ng Mataasnakahoy, Batangas nitong Lunes Pebrero 26, 2024.

Tampok ang 12 na naggagandahang kandidata mula sa iba’t ibang bayan ng 3rd District ng Batangas na kung saan isinagawa sa Municipal lobby ng Mataasnakahoy.

Suportado ang kaabang-abang na pageant nina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Mayor Janet Magpantay Ilagan, Vice Mayor Jay Manalo Ilagan at Atty. King Collantes.

Ang Coronation Night ay sa darating na Abril 27, 2024, 6:00 ng gabi sa Mataasnakahoy Municipal Gymnasium.
