fbpx

2 sakay ng motorsiklo, sugatan matapos mabangga ng kotse sa Lemery, Batangas

Sugatan ang isang gwardya at isang babae matapos ang nangyaring banggaan ng motorsiklo at kotse sa Barangay Bukal, Lemery, Batangas, bandang alas-3 ng umaga nitong Huwebes, Marso 7.

Batay sa impormasyon ng Lemery MPS, kinilala ang mga biktima na sina Lauro Macatangay, 43-anyos na security guard, at backrider nitong si Esmeralda Romero, 25-anyos, residente ng Barangay Laguille, Taal, Batangas.

Sa imbestigasyon ng Lemery MPS, habang nagmamaneho si Lauro kasama ang kanyang backrider, aksidenteng nasalpok sila ng kasalubong na kotse na minamaneho ni Rodel Pabua, 43-anyos, patungong Calaca City.

Dahil sa salpukan, nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang dalawang biktimang sakay ng motorsiklo kaya agad silang dinala sa pagamutan.

Samantala, ang suspek na driver ng sasakyan ay tumakas patungo sa direksyon ng Tagaytay matapos ang aksidente, ngunit agad siyang nahuli ng mga awtoridad sa Barangay Mahayhay, Lemery, Batangas.

Dinala sa kustodiya ng pulisya ang naturang driver para sa kaukulang imbestigasyon. | J.A Idanan, B. Channel News | Photo Lemery MDRRMO

About Author