fbpx

54-anyos na lalaki, patay matapos pagsaksakin ng kainuman sa Batangas City

Patay ang isang 54-anyos na lalaki matapos umanong tadtarin ng saksak ng kaniyang kainuman sa Purok 2, Barangay Kumintang Ilaya, Batangas City nitong Lunes dakong alas-8 ng gabi.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang biktima na si Vicente Abila, habang ang suspek ay si alyas “Ekong” na residente ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat ng Batangas CPS, habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa harap ng bahay ni Romy Espinosa, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek sa hindi pa malamang dahilan.

Dahil dito, pinagsasaksak ng suspek ang biktima ng ilang beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agaran nitong ikinamatay.

Matapos ang krimen agad na tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Barangay Calicanto.

Patuloy pa rin ang ginagawang manhunt operation ng mga awtoridad para maaresto ang suspek gayundin ang tunay na motibo nito sa pagpaslang sa biktima. | J.A Idanan, B.Channel News

About Author