Patay ang 28-anyos na lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isinagawang pag aresto sa Brgy. Matingain 1 Lemery, Batangas, pasado alas 8 ng umaga nitong Biyernes, Marso 22, 2024.
Nakilala ng Lemery MPS ang suspek na si alyas Kelly, 28-anyos, tubong Pasig City, at kasalukuyang residente ng naturang bayan.
Base sa Imbestigasyon ng Lemery Police, nang aarestuhin sana ng mga ito ang suspek dahil sa dalawang kasong pagnanakaw, bigla na lamang itong nagpaputok gamit ang caliber 45 na baril.
Kaagad namang umaksyon ang mga kapulisan at nagpaputok na nagresulta sa pagkakaroon ng tama ng suspek, naisugod pa ito sa hospital ngunit dineklarang dead on arrival.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulisya sa naturang insidente, habang ang Lemery Municipal Police Station ay nakikipag-ugnayan sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso. | A.Carpio, BChannel News