Patay ang 37-anyos na lalaki na nagmamaneho ng motorsiklo matapos itong sumemplang at mabangga ng kasalubong na truck nang iwasan nito ang tumawid na aso sa Purok 2, Brgy. Talaga, Tanuan City, Batangas kaninang alas 12:30 ng umaga, Marso, 26.
Nakilala ng Tanauan CPS ang biktima na si Alvin Agoho, 37-anyos at residente ng Brgy. Tambo, Lipa City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Tanauan City Police sa nasabing oras at pinangyarihan, habang binabagtas ng motorsiklo at trak ang kalsada, bigla umanong tumawid sa kalsada ang isang aso na naging sanhi ng pagkakabangga at pagkahulog ng motorsiklo sa kalsada.
Ayon pa sa pulisya, nabangga pa umano ito ng paparating na truck, agad namang sinugod sa Hospital ang biktima ngunit dineklarang dead on arrival.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag iimbestiga ng Tanauan City Police sa naturang aksidente. | A.Carpio, BChannel News