Sugatan ang ilang mga Pinoy maritime biologists na nagsasagawa ng pagsusuri sa yaman ng karagatan sa Pag-asa Island sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas matapos ang ginawang panghaharas ng isang helicopter ng China noong Sabado, Marso 23.
Sa isang video na inilabas ng BFAR, isang helicopter ng People’s Liberation Army Navy na may tail number 57 ang nakita na lumilipad ilang talampakan lang ang layo sa itaas ng Sandy Cay 3 at 4 at minomonitor ang aktibidad ng research team mula sa ahensya, UP Institute of Biology, at National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI).
Makikita sa video ang patuloy na pagho-hover ng helicopter sa napakalapit na distansya sa sand bar, kung saan dito nagtatrabaho sa kanilang pagsusuri ang ilang mananaliksik.
Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa ulo at gasgas ang ilan sa mga biologists at crew ng BFAR dahil sa malakas na hangin at debris na dulot ng patuloy na pagho-hover.
Bukod dito, ang isang crew ng BFAR na nasa ilalim ng tubig kasama ang underwater drone ay muntik nang malunod dahil sa lakas ng hangin na dulot ng helicopter.
Sa kabutihang-palad, nailigtas naman ito ng isa niyang kasamahan. | Ilang Pinoy marine biologist, sugatan nang pahanginan ng Helicopter ng China sa Sandy Cay 3J.A Idanan, B.Channel News