fbpx

34-anyos na lalaki, arestado matapos manuntok sa Batangas City

Arestado ang 34-anyos na lalaki matapos manuntok ng isang PWD sa Brgy. Soro-Soro Ilaya, Batangas City, pasado alas 7 ng gabi, nitong Lunes, Abril 10.

Nakilala ng Batangas City Police ang suspek na si Alyas Carlo, 34-anyos, at residente ng Batangas City.

Batay sa Imbestigasyon ng Batangas CCPS, sa nasabing oras at pinangyarihan, habang kinakausap ng biktima ang kanyang kaibigan ay bigla na lamang umanong nilapitan at sinuntok ito ng suspek sa dibdib sa hindi pa malamang dahilan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Batangas CCPS ang suspek para sa pagsasampa ng kaso laban dito. | A.Carpio, BChannel News

About Author