fbpx

2 lalaki, patay matapos makuryente sa isang live wire sa Taysan, Batangas

Nasawi ang dalawang lalaki matapos makuryente sa isang live wire sa Brgy. Piña, Taysan, Batangas nitong Lunes, ika-29 ng Abril.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Taysan Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang alas singko ng umaga. 

Ayon pa sa report ng pulisya, habang nag papark ng kaniyang truck upang ayusin ito, itinaas ng drayber na si Michael Santiago ang kanyang dumb box, aksidenteng natamaan nito ang isang live wire na malapit sa pinagparkan na nagresulta sa kanyang pagkakuryente.

Sinubukan naman siyang iligtas at tulungan ng kaniyang kasamahan subalit hindi nito nailigtas at sa kasamaang palad, pareho silang nasawi sa insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Talisay MPS sa naturang insidente. | J.A Idanan, B.Channel News

About Author